Sunday, June 22, 2014
Kaninang hapon, nanood ako ng F1 racing sa TV. Napakabilis at napakatulin! Malaki na rin ang ipinagbago ng mga "F1 Cars" dahil sa modernong teknolohiya - madaling gamitin at kalkulado nila ang bilis na kinakailangan nila upang manalo.
Ang F1 ay ang isang pinaka-prestihiyosong "auto-sports" sa ating panahon na maihahambing sa "Moto GP", pero mga motor ang kumakarera doon. pero sa technolohiyang ginagamit sa F1 ay hindi basta-bastang inilalahad dahil na rin sa kanilang "racing-secrecy" ang bawat team. Dahil nga "competitive" sila, hindi sila dapat mahigitan ng iba.
Pero ang nasa isip ko ay sa pagdaan ng panahon ay mabilis rin akong tumadanda. sa kalagayan ng buhay ko ngayon ay meron dapat akong gawing bago. Gaya ng ginagawa sa F1. Sa kalaunan, dapat may gawin silang "innovations" para mapanatili ang kanilang position at manalo sa karera. Sa Madaling salita, ang buhay ay parang F1!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment