Sunday, June 22, 2014

Kabayan? Kumusta ang ang iyong paghahanap-buhay?


Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ko naitanong ang tungkol sa iyong paghahanap-buhay at marami ring katanungan na pumapasok sa iyong isipan. Okey lang yan. Pero sa tanong ko, wala akong hangaring masama o mang-asar sa yo dahil gusto ko lang makatulong at magbigay ng posibleng solusyon sa problemang kinakaharap mo.

Hindi ko tiyak kung ano man ang problema mo pero isa sa mga common na problema ang kinakaharap natin ay kahit maghapon tayong kumakayod, pero kulang pa rin ang ating sahod. Lumalaki ang ating pamilya at tumatanda, lumalaki rin ang ating pangangailangan, pero sa kabuuhan, lalo pa rin tayong nahihirapan.

Sa hirap ng buhay ngayon, dapat ay mas WAIS tayo, hanapin talaga natin ang solusyon paano giginhawa ang buhay natin. at ang isa sa iisipin natin ay paano tayo makahanap ng extra na pagkakakitaan na hindi maapektuhan ang ating pangunahing hanapbuhay.

Ako ay isang empleyado. Pakiramdam ko, kulang na kulang talaga ang sahod ko para sa pangangailangan ng pamilya ko. kada pag uwi ko, hindi lang pagod ang nararamdaman ko kundi pagka dismaya sa sa sarili ko. at dun ako nagsimulang mag isip ng paraan - sa pamamagitan ng paggamit ng Internet.

Nagtaka kayo kung bakit ko binanggit ang salitang Internet? Pero hindi naman siguro, dahil araw-araw, karamahin sa mga tao ay gumagamit nito para maglibang, makipag kwentuhan at ang iba, pinagkakakitaan - at ito ang gusto kong ibahagi sa yo.

Mag kumento lang kayo sa ibaba at sigurado ako, marami kayong mga katanungan kung paano ito gagawin. 

No comments:

Post a Comment